Saturday, April 24, 2010

Instrumento

naranasan mo na bang magamit ng isang tao para sa sarili nyang kapakanan?
naranasan mo na bang mang-gamit ng ibang tao?

Eh ang gamitin Niya para sabihin ang gusto Niyang sabihin?

Ako oo. Kanina isang pang-yayari ang naganap kung saan ako ay ginamit. Nagkaroon ako ng pagkakataong magsalita sa harap ng mga kabataang tulad ko(oo bata pa ko). hehe. Isang karanasan na dati hindi ko naisip at pinangarap gawin. Pero ang galing nga naman maglaro ng tadhana. Gagawa at gagawa ng paraan para mang-yari ang dapat mang-yari. Nagkaroon kami ng Youth Camp training at isa ako sa naatasan para sa Talk 4. Bagama't hindi ito ang unang beses na ginawa ko ito, hindi parin maiiwasang mapaisip na, "paano nalang kung mali ang sabihin ko?". Kung recitation toh ok lng magkamali eh pero hindi. Pero sa tuwing tumatakbo sa utak ko ang kaba at ang pagdududa sa sarili ko, naiisip ko na hindi ako ilalagay sa ganung posisyon kung hindi ko kaya. At higit sa lahat hindi ako ang magsasalita sa harap kundi Siya. Isa lamang akong istrumento para maiparating Niya ang gusto N'yang sabihin...Oo ginamit ako! Ginamit Nya lng ako. At hindi ko ikinakahiya yun. Ipagsisigawan ko pa sa lahat na ginamit ako ni Kristo.

1 comment:

  1. Isang karanasan na dati hindi ko naisip at pinangarap gawin - sabi nga sa kanta "love moves in mysterious ways" God is love, God moves in mysterious ways. and we love him as well so we'll do things talaga na we dont expect. be a blessing and an instrument of blessing :) clap,clap teq

    ReplyDelete