Saturday, July 31, 2010

san maniniwala?

since mag-start ang school year parang iba na. oo excited pero may ibang pakiramdam parin eh. kapag may recit the next day hindi makapag-aral ng mabuti dahil may iniisip. ang buhay na pinasok ko mahirap. oo, mahirap na masarap, mahirap na masaya. oo masaya ako. eh ikaw ba? iba ang masaya ako sa masaya ako para sa'yo. every time i hear that i don't know what am I suppose to feel. i want to know what that means. i want to know the truth behind it. it's just strange that the words which should make me feel happy and encouraged is actually making me feel otherwise. ayaw ko nang pahabain pa. kasi magpapaikot-ikot lng naman. sa lahat ng toh isa lng ang ang gusto kong malaman.

san ba ko maniniwala? sa nararamdaman ko o sa naririnig ko?..

Sunday, June 6, 2010

malapit na

ilang araw nalang buhay studyante na naman ako. oo, studyante pero ngayon ibang usapan na 'toh. stress araw-araw walang puknat. well sabi lang naman yan ng mga kakilala ko na nasa law school na. sa totoo lang, hindi ko naman tlga alam kung anong ieexpect. kung pano tlga ang takbo ng buhay kapag nandun na ko. i guess malalaman ko lng tlga kapag nagsimula na. sa tuwing naiisip ko kung ano yun parati, hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip. mag-isip kung kaya ko ba tlga. hindi dahil sa wala akong bilib sa sarili ko. siguro it's more like tinatantya ko lng kung kaya ko ba tlga. pero ito gusto ko eh. dati mejo may alinlangan pero nayon paninindigan ko na toh. naalala ko pa dati kinakabahan pa ko kung meron ba kong papasahang school para pasukan, hanggang sa dumating sa nahirapan akong mamili kung sang school ako papasok kasi dalawang eskwelahan napasahan ko, and now kinakabahan na naeexcite ako kasi malapit na pasukan. nagiipon ng lakas ng loob, tibay ng dibdib sa mga pwedeng mang-yari, at nananampalataya na kakayanin lahat ng mga suliranin at problemang maaring pagdaanan.

wala nang atrasan toh!

sa darating ika-15 ng Hunyo, magsisimula na ang unang hakbang ko para maging isang abogado. alam ko hindi magiging madali pero kakayanin ko. para sa magulang ko, para sa sarili ko at higit sa lahat para sa Diyos na nag-pahintulot sa'kin na makapag-aral ulit..

Tuesday, May 11, 2010

bakit kaya??

this past few days i felt like i was heavily burdened. i don't know why am i feeling this way. dang! i hate it!...

but i know i have HIM so i'll just dust it all off. God payakap naman..

Wednesday, May 5, 2010

Huli ka


I was in an outing with my family. Because the sea floor was soo rocky I opted to find other ways to enjoy. At heto! na-in love ako sa nakita ko. I took a picture of an image exactly how i was able to see it. Isang mukang nakatingin sa ilaw sa poste. Paborito ko 'to sa lahat ng litratong nakunan ko..

Saturday, April 24, 2010

Instrumento

naranasan mo na bang magamit ng isang tao para sa sarili nyang kapakanan?
naranasan mo na bang mang-gamit ng ibang tao?

Eh ang gamitin Niya para sabihin ang gusto Niyang sabihin?

Ako oo. Kanina isang pang-yayari ang naganap kung saan ako ay ginamit. Nagkaroon ako ng pagkakataong magsalita sa harap ng mga kabataang tulad ko(oo bata pa ko). hehe. Isang karanasan na dati hindi ko naisip at pinangarap gawin. Pero ang galing nga naman maglaro ng tadhana. Gagawa at gagawa ng paraan para mang-yari ang dapat mang-yari. Nagkaroon kami ng Youth Camp training at isa ako sa naatasan para sa Talk 4. Bagama't hindi ito ang unang beses na ginawa ko ito, hindi parin maiiwasang mapaisip na, "paano nalang kung mali ang sabihin ko?". Kung recitation toh ok lng magkamali eh pero hindi. Pero sa tuwing tumatakbo sa utak ko ang kaba at ang pagdududa sa sarili ko, naiisip ko na hindi ako ilalagay sa ganung posisyon kung hindi ko kaya. At higit sa lahat hindi ako ang magsasalita sa harap kundi Siya. Isa lamang akong istrumento para maiparating Niya ang gusto N'yang sabihin...Oo ginamit ako! Ginamit Nya lng ako. At hindi ko ikinakahiya yun. Ipagsisigawan ko pa sa lahat na ginamit ako ni Kristo.

Thursday, April 15, 2010

Mga Mananayaw


Iba't-ibang mundo ng galaw nagsayaw sa iisang entablado. Wala nang hihilingin pa..

Sa likod ng Entablado

Backstage crew...We may not be the best crew out there but I can say we have the biggest heart for dancing. Miss you guys!