ilang araw nalang buhay studyante na naman ako. oo, studyante pero ngayon ibang usapan na 'toh. stress araw-araw walang puknat. well sabi lang naman yan ng mga kakilala ko na nasa law school na. sa totoo lang, hindi ko naman tlga alam kung anong ieexpect. kung pano tlga ang takbo ng buhay kapag nandun na ko. i guess malalaman ko lng tlga kapag nagsimula na. sa tuwing naiisip ko kung ano yun parati, hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip. mag-isip kung kaya ko ba tlga. hindi dahil sa wala akong bilib sa sarili ko. siguro it's more like tinatantya ko lng kung kaya ko ba tlga. pero ito gusto ko eh. dati mejo may alinlangan pero nayon paninindigan ko na toh. naalala ko pa dati kinakabahan pa ko kung meron ba kong papasahang school para pasukan, hanggang sa dumating sa nahirapan akong mamili kung sang school ako papasok kasi dalawang eskwelahan napasahan ko, and now kinakabahan na naeexcite ako kasi malapit na pasukan. nagiipon ng lakas ng loob, tibay ng dibdib sa mga pwedeng mang-yari, at nananampalataya na kakayanin lahat ng mga suliranin at problemang maaring pagdaanan.
wala nang atrasan toh!
sa darating ika-15 ng Hunyo, magsisimula na ang unang hakbang ko para maging isang abogado. alam ko hindi magiging madali pero kakayanin ko. para sa magulang ko, para sa sarili ko at higit sa lahat para sa Diyos na nag-pahintulot sa'kin na makapag-aral ulit..
No comments:
Post a Comment